Hey board brain, it’s okay to play!

‘Di porke’t board game mahirap, kumplikado, at pang-weirdo

Kagabi, nag post ako sa (arguably) biggest board game FB group dito sa Pinas — Philippine Boardgame Enthusiasts. 

‘Di ko sasabihin na ‘di ko in-expect na may papansin sa post ko … Kase expected ko na meron.

Bakit? Sabihin nalang nating:

Una, copywriter ako. Alam ko paano pasayawin ang mga salita na mapapansin ng mga tao.

Pangalawa, I know that the board game community is friendly in general. Kase kung nag-lalaro ka ng board game, socially-able ka kahit mas introvert ka pa kay Wednesday Addams. (alam ko yan kase introvert din ako)

At pangatlo, baka assumero lang talaga ako.

Pero anyway.

Natulog akong naka-ngiti kagabi. Sa isang post na yun, meron ata akong at least 4 invites sa mga game nights at mga board game events. 

Sobrang nakaka-excite.

For years (been playing occasionally since 2017), pahirapan mag-hanap ng kalaro. Lalo na nung may ambag na kami sa lipunan at may trabaho na. 

Tapos for the first time, kagabi, ako naman ang niyayaya. Feeling main character ako hanggang makatulog.

Pero syempre gigising at gigising pa din ako. At pagising ko — surprise! 

Sinampal ako ng katotohanan na those invites are ALL on the same day. Friday, December 15, 2023…

NA CHRISTMAS PARTY NAMIN. 

In short, ang dami kong invites sa Friday and malamang hindi ko sila mapuntahan. Gusto ko man, pero I can’t (and won’t) ditch my friends. (kung pwede ko lang sana sila mahatak kahit sa isang event)

Kaya ayun. Di na ulit ako main character. Hamak na villager nalang na uma-asa lang na hindi mapag-bintangang werewolf.

Pero okay lang! 

Kase bukod sa mga events sa Friday, invited din ako sa mga cafes, playtests, at mga recurring game nights around Manila. And that is still EXCITING.

This December, jam-packed na ang sched between holidays and work pero one of these days, pupuntahan natin lahat ng pwede natin puntahang game nights and days. 

At ikkwento ko lahat yun sayo. (or samahan mo ako minsan)

Pero kung libre ka sa Friday o kaya gusto mo din malaman yung mga board-brained friends na nagh-host ng game nights, check mo yung comment section ng post ko sa PBE group! Dami nilang info na binigay.

https://bit.ly/TGNPost

(syempre mag-join ka sa group kung di ka pa member)

Balitaan mo ako kung makakapunta ka,

Johnrille