Hey board brain, it’s okay to play!

‘Di porke’t board game mahirap, kumplikado, at pang-weirdo

Wack-wack. Black Scoop. 7pm.

Sawakas. Natuloy din ang pag-sawsaw ko sa Mandaluyong Board Game Group. 

Nung isang taon ko pa ‘to balak gawin pero laging di ako hinahayaan ng universe. Kaya nung Friday, sinampal ko sya para iba muna ang gamabalain nya.

Mag-lalaro ako.

Mula nung nadiskubre ko yung online community ng board gamers dito sa pinas, ‘tong Manda group ang pinaka matunog.

Wala daw mintis ang paglalaro nila ng board games every Friday night. Mahihiya ang consistency ng diet mo sa consistency ng game nights nila.

Now I won’t tell you what’s happening during these game nights. Gusto kong ma-experience mo sya kung paano ko sya na-experience — clueless.

Ang alam ko lang, Wack wack, Black Scoop, 7pm.

Kaya isshare ko na lang ang ilan sa mga narinig ko sa paligid habang nakaupo at umiinom ng Americano:

“Grabe na-cculture shock ata ako!”

“Are you guys good? Di naman ba kayo pina-palaro against your will?”

“Ah yung Japanese couple?”

“Go! The night is young!”

Etong pang-huli ay naririnig ko lang tuwing inuman. Akalain mong masasabihan ako nun sa context ng board gaming.

Buti na lang talaga
natuloy ako.

Kaya nag-papasalamat ako sa isang TGN email subscriber sa pag-host samin last Friday. (Di ako nakapag-paalam na banggitin pangalan nya so alam na nya yun. GG Sir!)

Sa totoo lang di ko alam kung saan patungo itong email ko today.

Parang andaming nangyare at andami kong naramdaman nung gabing yun at di sapat na ikwento ko lahat sa isang email.

Pero sa ngayon, isang bagay ang pinaka-angat para sa akin.

The Manda Group proved to me what I’ve always been saying — community makes this hobby grow.

Isang gabi lang, mas lalo ko pa nagustuhan ang board gaming. Nakita ko mismo na buhay na buhay etong hobby na ‘to.

Kaya kung may boses sa tenga mo na bumubulong at sinasabing subukan mong mag-laro, pakinggan mo.

It’s okay to play.

Lalo na pag Friday. Sa Wack-wack. Black Scoop. 7pm onwards. (2am na kami umuwi).

Kung interesado ka, meron silang FB Group, sali ka!

Sabihin mo pinadala ka ni Johnrille ng Tara Game Night. 

Pero wag ka maguguglat kung kumunot noo nila. Kase di ka naman nila tatanungin at di naman ako kilala ng lahat. Gusto ko lang masabi mo para lang makwento mo yung TGN.

Ha?

Ayaw mo?

Kakahiya?

Sabagay.

Osige, kung ayaw mo, sa ibang friends mo na lang i-kwento. Ashuswal, share mo lang ‘tong website sakanila, lalo na yung mga gustong pumasok sa board gaming.

www.TaraGameNight.com

“Pinadala ako ni Johnrille ng TGN”,

Johnrille